Markahang Pangganap
Malaki talaga ang epekto ng Covid 19, bawat isang tao ay maaaring maaapektuhan sa mga epekto nito. Sa grabe ng epekto nito ay nagbago na ang ating pagkabuhayan ito man ay mga negosyo ng mga tao, produksyon ng mga iba't ibang produkto, at kasali rin ang simpleng paglakad sa labas ito rin ay mahigpit na; dapat may facemask, alkohol, faceshield, at iba pang mga Personal Protective Equipment o PPE. Ngunit ang isang bagay na mayroong malaking epekto ay ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon.
Maraming nagbago sa pag-aral ngayon dahil sa Covid 19. Sa grabeng takot na maapektuhan ay kinansela na nila ang pag-aral harap-harapan, pero pano na ang mga taong naghihirap? Isipin nating ng maayos, yung mga magulang o pamilya na naghihirap para mag-aral ang kanilang mga anak ay lalong na silang naghihirap; naghihirap sa pag kuha ng pera dahil sa pag sara ng daming daming negosyo kaya wala silang makikitang trabaho upang sila ay magkaroon ng pambayad sa paaralan, at mas lalo ng magastos ang kanilang pamumuhay nila, gaya ng mga pagkain, tubig, kuryente, pag-ayos man ng bahay, o mga devices kanila. Kaya umaasa sila sa mga gobyerno nila para tumulong malampasan ang kanilang mga dinagdag na problema upang mabuhay sila ng isa pang araw, linggo, buwan, at mga pararating na taon. Kung takot ang mga matatanda sa virus na ito, at naaapektuhan ang kanilang pisikal, kaisipan, o kahit ang sikolohikal nila, ano kaya ang mangyayari kapang naaapektuhan ang mga kabataan?
Sa mga pangyayari ngayon o kahit sa pangyayari noon, di taayo pwede magmaang-maangan. Dapat seryoso at alerto tayo upang tayo ang mabuhay pa. Para rin sa mga kabataan na naghihirap umaral dahil lang sa mga pangyayari. Gawin natin ang mabuti para sa kabataan, para sa lahat ng tao na nangingibuhay.
Comments
Post a Comment