Halaga ng Buhay

Para sa iyo ano ang kahalagahan ng buhay?

Ano kaya ang kahalagahan ng buhay? Ang aking sagot sa iyon, ang sagot ko ay ang pag tulong sa bawat tao sa pag maunwaan nila ang mundo at kung maaari gusto ko silang tulungan makabangon upang meron silang pag-asa sa mundong ito. Sabi ng diyos na upang maranasan natin ang kagandahan ng mundo ay "dapat tayo magtulungan sa isa't isa" at sang-ayon ako. Kapag ikaw lang isa mismo ang nag-iisip tungkol sa mundo ay nahihirapan ka, daming oras ang na sayang mo, naguguluhan ka, ngunit kapag sinubukan mong magtulungan at nagbabahagi ng iyong ideya, kosepto, o naiisip mo sa ibang tao ay mas mahusay ang ating kabubuhayan ang mundo natin at wala nang isang tao ang dapat maghihirap na mag-isa.

Ano kaya ang iyong purpose sa mundong ito?

Marami ding mga tao kaparehong nagtatanong ng iyon, at kasali rin ako diyan. Pero di yan titigil sa aking paniniwalaan sa purpose ko na tumulong sa mga tao. Di tayo pwedeng huminto dahil di natin naintidihan ang ating hangarin, dapat tayong umangkop sa lahat ng sitwasyon upang tayo ay umunlad. 

Para kanino ka nabubuhay?

Nabubuhay ako sa mga taong nangangailangan ng tulong upang mabawasan ang problema ng ating mayroon na nang mundong ito. Pwede ako maging mata para sa bulag, bibig para sa pipi, tenga para sa bingi, o ilaw sa dilim ng buhay ng mga tao na hinahanap, iyon ang aking misyon ko sa mundo abalang-abala na hindi nila kayang pansinin ang taong naghihirap bumubuhay kasi nangingibuhay rin sila. 


Comments

Popular Posts