Kalayaan

"Ibon ay malayang lumipad, kulungin mo at ito'y umiiyak"

       Ang kalayaan ay para sa lahat ng mga bagay na buhay, meron silang pagpipilian na maging malaya sa mundo na ito. May mga taong gustong mabuhay na palagi silang malaya, at gagawin nila ang lahat para di ito mabago. Meron ding ibang kinokontrol o limitado ang kalayaan sa iba para sa mabuti at kahit narin masama. Para natin mga tao importante talaga ang kalayaan kasi pwede nating gawin ang gusto ngunit kailangan natin itong makakatulong at di makakasaktan sa ibang mga tao.

    Ang ibon ay malayang makalipad kahit saan at kahit kailan kasi walang nagkontrol o walang tumitigil sa kanila ngunit kapag pinilitan mong kulungin at taliin ang kanilang pakpak ay ito'y umiiyak. Pareho ito sa mga tao, dahil napakaimportante ang kalayaan ng bawat buhay di sila gustong mawala ito kagaya ng kabataan ngayon ay umaasa sa kalayaan.  Nagiging mas bayolente sila at gumawa ng mga bagay na nakakasira sa imahe ng tinatawag na "pag-asa ng bayan". Di sila nag-iisip na malaking resposibilidad ang pagiging malaya, di madali ang mundo ito meron talagang mga bunga na mangyayari sa bawat maling ginagawa mo. Dahil sa pagkaroon ng kapangyarihang makagawa ng kahit ano ay di dapat balewalain sa mga taong nag-aalala sa mga kalusugan ng tao, kasi kahit saan kahit kailan maaaring may taong nananakit  ng iba. Kaya para sa akin ay dapat nating limitahan ang kalayaan ng tao para sa kabubuti ng buhay.  Maging mas ligtas ang mga buhay sa tao at maging walang problema ang mundo. Dapat responsable at nakakabuti ang paggamit ng ating malaya kasi kapag ito'y naabuso o samantalahin ay maging mapanganib ang bawat buhay sa mundo. 

      

      Huwag nating sayangin ang pangkakataong maging malaya. Doon na tayong maghihinayang sa oras na ninakaw o nawawala na ang ating kalayaan. Kontrolin natin maayos ang ating kalayaan. Ang pagkilos ng tama ay makapagbabago sa kinabukasan.



Comments

Popular Posts