Journal [Diskriminasyon]

Malaking bagay ang diskriminasyon sa buong mundo, kahit san ka pumunta ay di mawawala ang magmamaliit sa mga tao, sila ma'y di mo kilala o kahit sa kapwa pamilya mo kahit saan may taong humuhusga sa iyo o sa iba kasi para sa kanila kapag nakita nila ang isang tao na mahina ay parang naging malakas sila kasi inaaway nila ang tao na iyon. Di nila iniisip kung ano at sino ang maapektuhan nila. Ngunit sa lahat ng iyon meron din mga tao ang nagtulong-tulong sa iba para di sila ma biktima o kungdi di sila ma apektohan sa diskriminasyon. Meron ding iba na hikayatin ang mga tao na itigil ang diskriminasyon at magkaintindihan tayo isa't isa. Ngayon oras din nating tumulong sa mga taong biktima sa diskriminasyon, ano kaya pwede natin gawin?

Para sa akin ang aking paraan upang matigil o maiwasan ang diskriminasyon sa lipunan o pwede din ang buong mundo ay: Kalimutan mo ang yabang mo at salubungin mo sila at unawain mo, kasi kadalasan sa mga pag diskriminasyon ay puro "one-sided" lang ang alam nila, di sila nag-iisip at diretso silang humusga. Di natin masabi kung masama o mabuti sila kapag di natin sila pakinggan o kungdi iintidihin. Kasi tayong mga tao minsan di makinig sa mga ebidensya o kwento ng iba tao at dumiretso nalang tayo. 

Importante talaga sa lipunan at buong mundo na magkaka-isa tayong lahat upang maiwasan ang gulo na maaaring mangyari. Pag tayo ay magiintindihan ay pwede nating magtulong sa lahat ng tao at para magkaroon ng kapayapaan.

Comments

Popular Posts