3C's
Choice (taong gustong maging malapit sa iyo dahil sa kabutihang kanyang ginawa na panghabang buhay na pakikipagkaibigan)
- Glyndel Magallanes
Chance (kung bibigyan ng pagkakataon, ang taong ito ay iyong maging kaibigan kahit sa maiksing panahon dahil sa kanyang ginagawa sa mga tao)
- Angel Locsin
Change (taong gusto mong baguhin dahil sa masama niyang ugali o nagpabago sa iyong masamang ugali)
Sa mga taong nakilala ko si Glyndel Magallanes ang pinili ko na maging malapit sa akin, maraming dahilan ako pwedeng maibigay. Isa sa mga ito ay yung masayahin na aura na aking mararamdaman, pag ika'y nagkaroon ng masamang araw ay mawawala lang yun pag siya'y sumama o lumalapit sainyo bigla ka nalang naka ngiti kasi nandoon siya para pasayahin ka, at yun ang pinakagusto ko sa kanyang ugali. Isa naman ay yung pagiging positibo niya, pag nakita niya na nawawalang gana kasi may masamang nangyari sa iyo ay nandoon siya para pasayahin ka. Yung pakiramdam na nais mo nang sumuko ngunit di mo maari kasi naging buhay yung espiritu mo kasi sa kanyang pagiging positibo. Para sakin ito ang kailangan sa bawat kaibigan.
May mga taong di nagugustuhan ang ideyang "pagbabago", dahil siguro di nila nais makita ang kanilang kapaligiran na naiba o baka di nila gusto mawala ang kung sino sila ngayon, o baka naman nahihiya lang sila. Para sakin nakakatakot ang pagbabago, kasi minsan alam mong may pagbabagong mangyari o kasi minsan bigla-bigla lang ang lahat. Nandito tayo sa mundong di mo alam kung anong mangyayari sa kinabukasan. Kaya para sa akin gusto kong baguhin si Vincent Valle, bagaman wala naman siyang masamang ugali meron ako gustong baguhin sa pagkatao niya. Isa sa mga ito ay ang kanyang pagkahiyain, may mga katanungan siya ngunit nahihya siyang magtanong, may problema siya ngunit di siya naghihingi ng tulong. Pinili ko siya na magbago kasi naniniwala ako na meron siyang potensiyal na maging matagumpay, ngunit hinihila ito dahil sa kahiyain niya. Siya ang gusto inaabangan kong pinakamasaya sa aming magkaibigan.
Comments
Post a Comment