KAPANGYARIHAN NG PASKO

          Merong mga tao sa ating mundo na binigyan nilang lahat ng kanilang lakaw upang magkaroon sila ng puhunan, kahit anuman yung gagawin nila. Sa bawat araw na nagtatrabaho sila ay may mga mararaming pawis o kung hindi man meron ding mga galos na maaaring makikita sa kanilang katawan, yun ang katunayan na sila ay nagsusumikap, gaya ngayon buwang December, ang buwan na kung saan magkaroon ng pagsasama ng mga pamilya at ang kanilang mga kamag-anak.
Mga halimabawa ng mga ito ay yung mga tagapaglinis/diyanitor, sila yung mga dahilan kung bakit malinis ang ating lipunan, sila yung pumulot sa ating mga basura na itinapon natin kahit saan nang walang pag-aalaga. Sila yung tinatawag kong "Invisible Heroes" kasi ginawa nila yung mga trabaho na di gusto ng iba, paglilinis ng gilid ng daan, sa paaralan, opisina, bahay, o hindi kayay tagapag tago ang mga gamit mo na sobrang mahalaga sa iyo at ito man ay naiwan mo, at sa bukas ay isauli nila ito sainyo, araw-araw nila ito ginawa pero di sila ina-appreciate. Tao rin sila at meron silang mga pamilya na may mga magaganda o mga poging anak, kailangan rin nilang madama ang "Kapangyarihan ng Pasko". Kaya noong December 18, 2019 na ari naming napapasalamat ang kanilang kasipagan sa kanilang trabaho dito sa aming paaralan sa Asian College of Technology, pero bago namin yun nagawa ay meron kaming pagpaplano sa pagbili ng bagay na aming ibigay sa kanila kasama ko sina Aldrine Pacheco at si Clarence Suarez, nakatipid kami ng pera at ipunin ito sa aming tatlo. Inisip namin kung ano ang kinakailangan talaga nila, kaya inisip namin na bumili kami ng pang "Nochebuena" kung sakaling magkaroon sila ng problema sa pera




















          Pumunta kami sa malapit na pamilihan at agad agad deretso kami sa supermarket at  kumuha ng bigas at mga "packed can goods" ng kabuuan ng gastos ay P485.00. Binayad namin lahat sa cashier at bumalik kami papunta sa paaralan at nahanap namin si kuya Arjim na nagpapahinga sa kanilang "Janitor's Quarters". Binigay namin sakanya yung mga binili namin at nagpapapiktur sabay kaming apat at si kuya Arjim naman na may hawak yung pang Nochebuena niya.


          Nalaman ko na kahit maliit na pagpapasalamat na iyong ibigay sakanila ay itinuturi nila iyong malaki kasi nalaman nila na merong mga tao na nakapansin sa kanilang paghihirap sa mundong ito.


Comments

Popular Posts